Thailand nag-donate ng 8 jet fighters
June 7, 2003 | 12:00am
Walong fighter jets ang donasyon ng Thailand sa Pilipinas para magamit ng mga sundalong Pilipino sa pagsugpo ng insureksiyon sa bansa.
Ang walong pandigmang eroplano ang ipinangako ni Thai Prime Minister Thaksin Shinawatra kay Pangulong Arroyo sa kanilang ginawang pagpupulong sa Tokyo, Japan. Ang apat sa walong jet ay takdang dumating sa bansa sa Agosto at ang apat pa ay sa Setyembre.
Ang Pangulo at si Thai Prime Minister Thaksin ay kapwa dumalo sa Nikkie International Forum na ginanap sa Tokyo para magsilbing tagapagsalita kasama si Malaysian PM Mahathir Muhammad.
Ipinabatid ng Thai PM kay Pangulong Arroyo na siya ang personal na maghahatid ng 4 na fighter jet sa bansa sa Agosto kaugnay ng gagawin niyang lecture dito sa "Thaksiomics," isang matagumpay na patakarang pangkabuhayan.
Ang patakarang ito na tinaguriang Thaksin policy ang siyang sinusunod ng administrasyong Arroyo sa implementasyon ng programa sa maliliit at katamtamang laking industriya.
Sinabi ng Thai PM sa Pangulo na ang walo nilang donasyong fighter jet sa bansa ay ginamit na nila sa matagumpay na kampanya laban sa mga rebelde sa kanilang bansa. Pinasalamatan ng Pangulo si PM Thaksin sa ipagkakaloob na donasyon ng kanyang bansa. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am