^

Bansa

Batas vs hatsing ibasura!

-
Ipinababasura kahapon ni Bayan Muna Rep. Crispin Beltran ang panukalang Anti-Terrorism Act of 2003 kung saan nakapaloob ang probisyon na ikokonsiderang terorismo ang paghatsing sa mga pampublikong lugar.

Ang nasabing panukala ay pinagdedebatehan na sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Beltran, mas magiging ligtas ang bansa kung ibabasura na lamang ang Anti-Terrorism Act of 2003.

Magiging katawa-tawa aniya ang bansa kapag tuluyang naisabatas ang panukala dahil maging ang paghatsing sa pampublikong lugar ay nais na ring ipagbawal.

Hindi rin pabor si Beltran na ihanay bilang "terrorist act" ang pagsasagawa ng strike ng mga empleyado, mass demonstrations at pagbabarikada ng mga squatters kapag ginigiba ang kanilang mga tahanan.

Mas makakatulong aniya sa pagsugpo ng terorismo ang pagpapasa ng batas na magbibigay ng proteksiyon sa mga mamamayan.

Ang dapat aniyang pagtuunan ng pansin ng gobyerno ay ang pagpapalakas ng intelligence network ng militar upang hindi makapasok sa bansa ang mga terorista.

Idinagdag nito na kung pagbabasehan ang kasaysayan ng Pilipinas, lalabas na ang gobyerno ang maituturing na "biggest terrorist" dahil sa napakaraming human rights violations na karamihan umano ay ginagawa ng militar. (Ulat ni Malou Escudero)

ANTI-TERRORISM ACT

AYON

BAYAN MUNA REP

BELTRAN

CRISPIN BELTRAN

IDINAGDAG

IPINABABASURA

KONGRESO

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU ESCUDERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with