Kiko at Shawie may 'LQ'
May 29, 2003 | 12:00am
Lumalalim umano ang namumuong sigalot sa pagitan nina administration Senator Francis Kiko Pangilinan at Mega Star Sharon Cuneta pero tumanggi ang source na ibunyag ang dahilan ng sinasabing "gusot."
Hindi din umamin ang source kung totoo ang balitang hindi na umuuwi si Sen. Pangilinan sa bahay ng mega star nitong mga huling araw matapos umanong unang umalis ng kanilang bahay sa Wack-Wack si Sharon at tumuloy pansamantala sa bahay ng kanyang tiyahing si Helen Gamboa sa White Plains.
Posibleng nagselos umano ang mambabatas sa mga ginawang eksena ni Sharon sa latest Viva movie nito katambal ang naging "rumored boyfriend" nito noong araw na si Richard Gomez dahil sa mga maseselang eksena tulad ng shower at bed scenes with Goma.
Ayaw naman sabihin ng source na ito nga ang naging dahilan ng "awayan" pero ipinagpipilitan nitong may mas malalim na dahilan kaya nangyari ito.
Mahigpit na itinanggi naman ng senador ang tsismis na hindi na siya umuuwi sa kanilang bahay ni Sharon at pinabulaanan din na mayroong namumuong away sa pagitan nila ng asawa.
"Ha,ha,ha. Its not true, may nang-iintriga lang siguro dahil sa naiinggit, up to now at patay na patay pa rin sa akin ang misis kong mega star, ha, ha, ha," wika ng senador sa pamamagitan ng text message.
Sinabi pa ni Pangilinan sa kanyang text message na mayroon pang tsismis na mayroon daw siyang ibang babae pero hindi daw ito totoo at iginiit na may naninira lamang sa kanilang pagsasama at winika din nito na miyembro umano siya ng UHAW (Union of Husbands Afraid of Wives). (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest