4 Pinoy seaman patay sa nasunog na barko
May 27, 2003 | 12:00am
Apat na Pinoy seaman ang namatay habang 17 crew members ang malubhang nasugatan kabilang ang 7 Pinoy matapos masunog ang Norway cruise ship sa Port of Miami, Florida habang naglalakbay sa karagatan ng Miami noong Linggo ng madaling araw.
Sa inisyal na ulat na nakarating sa tanggapan ni OWWA Administrator Virgilio Angelo, nagkaroon ng steel leak sa boiler room ng Norway cruise ship na naging dahilan upang malamon ng apoy ang 1,035 foot ship na nabanggit na mayroong 2,135 pasahero at 911 crew na karamihan ay pawang mga Filipino.
Kinilala ang apat na Pinoy seaman na namatay na sina Ricardo Rosal, Ramil Bernal, Candido Valenzuela at Rene Villanueva. Kritikal naman sina Marie John Bautista at Ramil Villarasis.
Samantala sugatan sina Raymond Luvino, Reynaldo Marcelino, Paul Peralta, Ronaldo Tejero at isa pang hindi nakuha ang pangalan. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended