Seguridad sa Spratlys hinigpitan
May 26, 2003 | 12:00am
Mistulang nagpapaligsahan ang ilan sa mga bansang nag-aagawan sa pag-aangkin sa Spratly Group of Islands matapos na palakasin pa ng mga ito ang pagbabantay sa kanilang mga istraktura sa South China Sea.
Dahil dito, iniutos ni Defense Sec. Angelo Reyes sa Philippine Air Force (PAF) at Phil. Navy (PN) na paigtingin pa ang pagmomonitor sa nasabing isla na inaangkin rin ng Pilipinas.
Sinabi ni Reyes na bagaman dumagsa ang mga nagbabantay na itinalaga ng mga nag-aagawang bansa gaya ng Malaysia, Vietnam, Brunei, Taiwan at China sa Spratly ay kinumpirma naman nito na walang mga bagong istraktura na itinayo doon.
Ang Pilipinas ay umookupa ng siyam na pangunahing isla sa teritoryo ng Spratly na kilala rin bilang Kalayaan Islands Group at nakatalaga rito para magbantay ang mga tauhan ng PN.
Samantalang ang China at Vietnam ay umookupa ng malaking bahagi ng mga isla sa Spratly.
Magugunita na nakipagkasundo si Reyes sa limang bansang nabanggit para sa status quo sa nasabing isla na pinaniniwalanang mayaman sa depositong mineral at langis.
"It is a landmark but a non-binding agreement and of course it is expected not to do any provocative or acts would not be consistent with that code of conduct," ani Reyes. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest