Base sa report, partikular umanong target ng ASG ang mga Kano, Australians, Koreans, Chinese, Japanese at maging mayayamang negosyanteng Pilipino.
Hindi rin malayong dumayo sa ibang lugar ang ASG at puntiryahin ang mga pamosong resort na madalas puntahan ng mga dayuhan upang dito kumuha ng panibagong mga bihag.
Ayon kay Kyamko, ngayong wala ng bihag ang mga bandido ay gagawa ang mga ito ng paraan tulad ng panibagong pangingidnap upang may maipananggalang sa tumutugis na mga sundalo na determinadong durugin ang mass base ng bandidong grupo.
Matatandaang nakatakas ang dalawang natitirang bihag ng Sayyaf noong nakaraang Sabado. Ang mga bihag na sina Flora Montolo at Norie Bendijo ay kapwa miyembro ng Jehovahs Witness.
"Without being alarmist, everybody should be vigilant, the Abu Sayyaf source of living is through kidnapping," pahayag ni Kyamko kasabay ng pag-alerto sa puwersa ng militar upang protektahan ang publiko. (Ulat ni Joy Cantos)