Kano at Briton pinapaalis na sa Saudi
May 15, 2003 | 12:00am
Mahigpit na iniutos kahapon ng US at British governments sa kanilang mga mamamayan na umalis na sa Saudi Arabia at kung maaari ay huwag nang magtungo doon matapos ang naganap na suicide bombing sa Riyadh na ikinasawi ng may 10 katao kabilang ang tatlong Pinoy.
Pinapaalis na rin ng US State Department ang lahat ng staff nito sa US Embassy sa Jeddah base na rin sa nakalap na impormasyong target ng teroristang grupo ni Osama bin Laden ang mga American nationals doon bilang ganti sa paggiyera sa Iraq.
Nabatid na walong Kano ang iniulat na namatay sa apat na sunud-sunod na suicide bombing sa Riyadh at limang Briton kabilang ang 15-anyos na kritikal sa insidente.
Isang grupo na ng US Federal Bureau of Investigation-Counter Terrorist Experts ang nagtungo sa Riyadh upang magsagawa ng imbestigasyon at kumalap ng ebidensiya na magpapatunay na grupo ni bin Laden ang responsable sa pagpapasabog sa isang residential area at mga gusali sa Riyadh.
Samantala, tiniyak ng DOLE at OWWA na kanilang hahabulin ang employer ng nasawing Pinoy na si Rogelio Pababero sa suicide bombing sa Riyadh matapos na mabatid na anim na buwan itong hindi pinapasahod. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended