Ito ay matapos na makatanggap ng intelligence information ang dalawang nabanggit na tanggapan sa pagbabanta ng Jakarta-based Jemaah Islamiya group ni international terrorist Osama bin Laden.
Ang Philippine Embassy ay matatagpuan sa kapital ng Jakarta habang ang Consulate office ay nasa Eastern City ng Manado sa North Sulawesi na siyang nagsisilbi sa may 4,300 Pilipino na nagtatrabaho sa Indonesia.
Ang pagbabanta ng nasabing terrorist group ay kasunod ng mahigpit na kampanya ng pamahalan laban sa terorismo.
Sinabi ni Phil. Ambassador to Indonesia Rafael Reguis na nagsasagawa na sila ng paghahanda at iba pang safety precautions upang hindi na maulit ang ginawang pagpapasabog noon sa nasabing mga tanggapan.
Ang bomba ay pinasabog ng mga terorista noong Agosto 2000 sa Phil. Embassy sa Jalan Imam Bonjol sa Jakarta na siyang ikinasugat ni Ambassador Leonides Caday. (Ulat ni Edith Regalado)