^

Bansa

Virgins for sale: P700

-
ANTIPOLO CITY - Sex for sale sa halagang P700 kapalit ng bawat isang gabing siping sa mga menor-de-edad na kababaihang birhen na nagkakaedad 12 hanggang 16 anyos.

Ito ang nabulgar na modus operandi kahapon hinggil sa talamak na pagbebenta sa mga biktima sa halagang P700 sa mga kliyente na karamihan ay matatandang Intsik matapos na masagip ang anim na kabataang babae na residente ng lungsod na ito sa isinagawang serye ng operasyon sa Parañaque City at Cavite.

Kasabay nito, inihayag ni Antipolo City Police P/Supt. Primitivo Tabujara Jr. ang pagkakadakip sa umano’y bugaw na si Roselle Hernandez habang pinaghahanap pa ang isang Fil-Chinese na umano’y utak sa naturang child trafficking.

Si Hernandez ay nasakote sa isinagawang raid sa safehouse nito sa Brgy. Mayamot, Antipolo City matapos ituro ng mga biktima kung saan sila dinala ng suspek.

Ayon kay Tabujara, ang mga nasagip na biktima ay natangay sa pambobola ng suspek. Kinaibigan umano sila at saka niyayang ipapasyal sa Coastal Mall sa Parañaque at pagkatapos ay magsu-swimming sa Bacoor, Cavite.

Lumitaw sa imbestigasyon na ang mga biktima ay dinadala ng suspek sa kontak nila sa Coastal Mall na siya namang nagdadala sa mga biktima sa hindi nabatid na lugar sa Bacoor. Dito nagaganap ang bentahan sa mga ito sa halagang P700 sa kanilang mga parukyano.

Umaabot na sa 15 biktima ang umano’y nakaladkad ng suspek sa prostitusyon.

Sa kasalukuyan, himas rehas ang suspek sa detention cell ng Antipolo City Police habang inihahanda ang pagsasampa dito ng kasong child trafficking at kidnapping. (Ulat ni Joy Cantos)

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO CITY POLICE

ANTIPOLO CITY POLICE P

BACOOR

CAVITE

COASTAL MALL

JOY CANTOS

PRIMITIVO TABUJARA JR.

ROSELLE HERNANDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with