Sa ginanap na seremonya kahapon sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan, pinangunahan ni dating Senador Juan Ponce Enrile ang personal na pag-iindorso kay Lacson.
Ang okasyon ay dinaluhan ng tinatayang 200 pulitiko, mga lokal na opisyal ng gobyerno, mga dating miyembro ng gabinete, lider ng civil society groups at mga lider ng partido mula sa Puwersa ng Masang Pilipino (PMP), Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP), Kilusang Bagong Lipunan (KBL), Reporma atbp.
Ang United Opposition na binubuo ng naturang mga partido pulitikal ay pinangungunahan ng PMP na itinatag ni dating Pangulong Estrada.
Pero nilinaw naman ni Lito Banayo, pangulo ng PMP na hindi pa opisyal ang pag-iindorso ng United Opposition sa kandidatura ni Lacson dahil sa darating na Disyembre pa pormal na hihirang ng standard bearer sa pampanguluhan ang kanilang grupo o 45 araw bago ang campaign period.
Sa kabila nito, ayon kay Banayo ay 85% na ang suporta ni Lacson para maging kandidatong presidente.
Kabilang naman sa mga posibleng tumakbong bise presidente ng oposisyon sina Senators Aquilino Pimentel, Loren Legarda, Juan Flavier, Sergio Osmeña, Manila Mayor Lito Atienza at action king Fernando Poe Jr. (Ulat ni Joy Cantos)