Binilinan din ni Yap ang mga field managers ng NFA na maging alerto at mabilis na rumesponde sa mga emergency situations sa kani-kanilang mga lugar upang maseguro ang supply ng pagkain sa lahat ng oras.
"Sapagkat tayo ang tagapatnubay ng pinakamahalagang pagkain ng ating mga kababayan, dapat nating matiyak ang supply ng bigas sa lahat ng oras," pahayag ni Yap.
Ipinatutupad ng NFA ang Disaster Preparedness Program kung saan ang mga ahensiya tulad ng DSWD at Phil. National Red Cross at mga local na pamahalaan ay makakukuha ng bigas ng NFA para sa relief sa panahon ng kalamidad at emergencies.
Ang pagpapadala ng bigas sa Pangasinan ay isinagawa sa tulong ni Cong. Mark Cojuangco.
Iniulat ni Yap na ang NFA sa Region I ay may imbentaryong 660,360 sako na tatagal sa 16 araw. Pinag-iibayo rin ng local na opisina ng NFA ang pagbili ng palay upang madagdagan ang kanilang imbentaryo.