Nag-x-ray kay Catalon nilalagnat na

Nilalagnat at naka-confine na din ngayon ang x-ray technician ng San Lazaro Hospital na kumuha ng x-ray kay Adelina Catalon.

Kinilala sa inisyal na DB ang nasabing empleyada na kasalukuyang isinailalim na sa obserbasyon sa nasabing ospital.

Si DB ang kumuha ng x-ray ni Adelina noong Abril 13, 2003. Bagaman naka-surgical mask ay wala naman itong suot na goggles.

Binabantayan na kung mauuwi sa pulmonya ang lagnat ni DB.

Show comments