Ang buhay, kapangyarihan at pagbagsak ni Saddam
April 20, 2003 | 12:00am
Sa ikalawang pagkakataon, napilitan ang Amerika na suportahan ang tanggapan ng Baath para sa pagsasagawa muli ng kudeta.
Isang mahalagang papel ang ginampanan ni Saddam sa kudeta. Nagsuot siya ng uniporme ng sundalo bagamat hindi siya militar at sumama sa pag-atake sa Presidential Palace noong Hulyo, l968 at inagaw ang gobyerno ni Gen. Arif.
Si Arif na sinasabing mahina ang liderato noon ay agad na sumuko subalit matapos ang dalawang linggo nang umupo ang liderato ng Baath noong Hulyo 17, 1968, isinagawa ang tinawag nilang "correction movement." Ang ibig sabihin nito, tatanggalin ang mga non-Baath member na nagsagawa ng coup kaya prominente dito si Saddam.
Sa katunayan sa katatapos na kudeta, si Saddam ang tumutok ng baril sa ulo ng Iraqi Prime Minister at buong tapang nitong sinabi ang katagang "Youre going with me to the airport because youre leaving this country."
Sumagot ang Prime Minister habang nakatutok sa ulo nito ang baril ng "I have family, I have a wife and kids."
"Well as long as you behave theyll be fine," giit ni Saddam.
Sumunod na lamang ang Prime Minister at dinala siya ni Saddam sa airport, isinakay sa eroplano at idineport.
Matapos ang ilang panahon, hindi rin pinaligtas ni Saddam ang Prime Minister na nagsisilbing banta at isinagawa ang asasinasyon dito. Pinatay ang Prime Minister sa tapat ng Intercontinetal Hotel sa London.
Ini-appoint naman noon si Major General Ahmed Hassan al-Bakr, dating prime minister, bilang pinuno ng bagong itinatag na Revolutionary Command Council (RCC), ang supreme executive, legislative at judicial body ng Iraq.
Nagsimula nang palawakin ni Saddam ang kanyang impluwensya sa pamamagitan ng mga pailalim na trabaho at pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan, mga kadugo at sa angkan ng kanyang asawa sa Tikrit.
Noong l969, inilagay sa makapangyarihang posisyon sa gobyerno si Saddam bilang Vice Chairman ng RCC, pumapangalawa kay General al-Bakr, ang Chairman ng council at tumatayong Pangulo ng Iraq. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest