^

Bansa

Sugarol, batugan at adik na mister gagamiting ground sa annulment

-
Nais ni opposition Senator Tessie Aquino-Oreta na isama ang mga sugarol, adik at batugan bilang puntos para sa annulment ng kasal ng mag-asawa.

Sinabi ni Oreta na masyado umanong malabo ang nilalaman ng Family Code, partikular ang definition ng "psychological incapacity" kung kaya bumabagal ang proseso ng hiwalayan sa korte.

Sa ilalim ng Family Code, tanging ang "psychological incapacity" lang ang kasama pero hindi partikular ang mga rason kung anong klase ang nasa ilalim nito. Simula nang ipalabas ang Executive Order No. 229 o ang Family Code may 3 taon na ang nakaraan, binaha umano ang korte ng mga petisyon para sa annulment ng kasal subalit nahirapan naman ang korte sa pagdedesisyon dahil parang sinadya ng mga bumalangkas ng code na palabuin ang definition ng psychological incapacity.

Nais ng senadora na maamyendahan ang Article 36 ng nasabing batas upang maituring na pyschologically incapacitated ang mga asawang drug adik, lulong sa pagsusugal, tamad at may violent behavior.

Sa panukala ni Oreta, sinabi nito na dapat na isali rin ang pagiging bayolente ng lalaki o babae sa anak, pag-abandona sa asawa, madalas na pangangaliwa, ayaw sumiping, homosexuality, sobrang kabobohan at immaturity.

Nais ding ibaba ni Oreta ang bilang ng taon ng pagkakatunton ng mga pagkakamali ng isang partido. Sa kasalukuyan mayroon limang taon ang kailangan para mag-file ng ligal na separasyon. Nais ni Oreta na gawin itong dalawa lamang mula ng matuklasan nila na may diperensiya ang kanilang pagsasama. (Ulat ni Rudy Andal)

CODE

EXECUTIVE ORDER NO

FAMILY CODE

NAIS

ORETA

RUDY ANDAL

SENATOR TESSIE AQUINO-ORETA

SINABI

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with