US nanakot na aatras sa Balikatan
April 13, 2003 | 12:00am
Binantaan umano ng mga matataas na opisyal ng Estados Unidos ang pamahalaan at ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na aatras sa pagdaraos ng Balikatan 03-1 ngayong taon kung di rin lamang sa lalawigan ng Sulu na kilalang balwarte ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) gagawin ang venue.
Sa isinagawang pagpupulong ng US military officials na kinatawan ng 3rd Marine Division sa pamumuno ni Major Gen. Joseph Weber at mga top officials sa Camp Aguinaldo, ipinagpilitan umano ng grupo ni Weber na sa Sulu idaos ang RP-US joint military exercises sa halip na sa ibang lugar.
Ang suhestiyon ng AFP na huwag na umano sa Sulu idaos ang Balikatan 03-1 ay labis na ikinairita ni Weber kung saan nagtaas pa umano ito ng boses sa pakikipagtalo sa mga matataas na opisyal ng militar at nagbantang iaatras na lamang ang war games ngayong taon kapag hindi sila napagbigyan.
"If you dont want it (Balikatan 03-1) in Sulu then let us not have it this year. The United States is facing more pressing issues than this," sabi ni Weber.
Matapos ang argumento ay nagkasundo rin ang magkabilang panig na gawin sa Western Mindanao ang Balikatan 03-1 na kinabibilangan ng Sulu, Basilan, Tawi-Tawi at Zamboanga Peninsula.
Nauna nang tinutulan ng ilang sektor ang pagdaraos ng Balikatan sa Sulu dahil pinagdududahan na sasabak sa "combat mission" ang tropang Kano.
Ang Sulu na kilalang balwarte ng mga bandidong ASG ang orihinal na napiling lugar para pagdausan ng Balikatan 03-1 matapos ang tagumpay ng Balikatan 02-1 sa Basilan. Ang ASG ay sinasabing may kaugnayan umano sa Jemaah Islamiyah ni Osama bin Laden.
Pansamantalang nabitin ang naturang joint exercise dahil sa pangamba ng mga residente na ipaghihiganti ng mga Muslim sa Sulu ang kanilang mga ninuno na pinatay ng mga sundalong Kano.
Magugunita na sa ilalim ng liderato ni US Gen. John Pershing ay minasaker ng mga ito ang libong Sulueños noong taong 1903. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended