Saddam nakalusot sa bomba
April 10, 2003 | 12:00am
Nakaligtas si Iraqi President Saddam Hussein sa apat na pinakawalang satellite guided missiles ng US-led coalition forces habang nakikipagpulong ito sa kanyang dalawang anak at matataas na opisyal sa isang gusali sa Baghdad kamakalawa.
Ito ang tiniyak ni Iraqi representative to UN Mohammad al-Douri matapos na ihayag ng mga opisyal ng US Central Command na posibleng kasama sa napatay si Saddam sa ginawang pambobomba sa nasabing gusali na hinihinalang pinagtataguan nito at dalawang anak.
Hinahanap na ng coalition ang bangkay ni Saddam at mga anak nito pero dalawang araw nang naghuhukay ang mga sundalong Kano ay wala pang nakikitang mga bangkay.
Gayunman, kumbinsido ang mga opisyal ng US Central Command na patay na si Saddam.
Naispatan at nakuhanan pa umano ng video ng ilang kasapi ng US Delta Force Commandos si Saddam habang papasok sa naturang gusali kasama ang kanyang mga tauhan at bodyguard at hindi na nakita pang lumabas ito bago tuluyang paulanan ng apat na sunud-sunod na satellite-guided missile ang gusali.
Nagdiwang naman ng husto ang mga Iraqi sa paniniwalang hindi na sila guguluhin ni Saddam
Naglabasan sa kalye ang mga taga-Baghdad at tuwang-tuwang sinalubong ang mga US troops at sinamantala ang pagkakataon para nakawan ang mga gusali, tindahan at mga pabrika, pati mga tanggapan. Malakas na ang loob ng mga Iraqi dahil walang pulis sa kalye.
Kaugnay nito, nasakop na rin ng US forces ang air space ng Iraq matapos makubkob ang Rashid Internastional Airport sa south eastern Iraq.
Pinaniwalaang nagtatago ngayon si Saddam sa kanyang "secret lungga" o underground city na hindi kayang wasakin ng bomb of all bombs o anumang pinakamalakas na bomba ng Amerika. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest