^

Bansa

71% ng mga tax collector, nangunguna sa pandaraya ng buwis

-
Sa halip na kumolekta ng tamang buwis, ang 71 porsiyento pa ng mga tax collectors ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang nanunulsol sa mga tax payers na dayain ang pamahalaan sa pagbabayad ng buwis.

Ito ang lumabas sa pinakahuling pananaliksik ng Survey of Enterprises on Corruption ng Social Weather Stations (SWS) na isinumie sa House of Representatives.

Ayon kay CIBAC Party-List Rep. Joel Villanueva na pangunahing nagsusulong sa Kamara na buwagin na lamang ang BIR at palitan ito ng National Authority for Revenue Administration (NARA), dapat na magkaroon ng reorganisasyon sa BIR sa lalong madaling panahon.

Magugunitang sinertipikahan nang urgent bill ni Pangulong Arroyo ang panukalang batas na naglalayong repormahin ang BIR.

Kinilala rin ang BIR sa nasabing survey bilang nangungunang ahensiya ng pamahalaan na talamak ang katiwalian matapos makakuha ng rating na 68%. Sinundan ito ng Bureau of Customs (BOC), 66%; Department of Public Works and Highways, 49%; Philippine National Police (PNP), 29% at Land Transportation Office (LTO), 20%.

Lumabas din sa survey na hindi na inire-report ng mga taxpayers ang dayaan sa buwis dahil naniniwala ang mga ito na wala ring mangyayari sa kanilang reklamo. (Ulat ni Malou Escudero)

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

HOUSE OF REPRESENTATIVES

JOEL VILLANUEVA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MALOU ESCUDERO

NATIONAL AUTHORITY

PANGULONG ARROYO

PARTY-LIST REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with