Erap, naka-inom nang pumirma ng 'Jose'
April 1, 2003 | 12:00am
Dahil sa dami ng ginagamit na alyas, pag-inom ng alak at pagtulog ng madaling-araw, maraming dokumentong napirmahan si dating Pangulong Estrada na ang gamit na pangalan ay "Jose" sa halip na Joseph.
Ito ang sinabi kahapon ni Chief Special Prosecutor Dennis Villa-Ignacio matapos dalhin sa Sandiganbayan Special Division ang 22 dokumento na nagpapakita ng mga pirma ni Estrada na Jose ang pangalan.
Naniniwala si Villa-Ignacio na nagkaroon na ng pagkalito ang dating pangulo kung ang ipipirma ay Velarde o Estrada.
Dinala sa korte ang mga dokumento sa bisa ng isang subpoena kay Marianito Dimaandal, assistant director ng Records Division ng Malacañang.
Nakasaad sa mga ipinakitang proclamation, administrative orders, memorandum order at memorandum circular na pawang Jose at hindi Joseph ang pinirma ng dating pangulo.
Sinabi ni Villa-Ignacio na pinagtibay ng testimonya at mga dokumentong mula sa Malacañang na si Jose Velarde at Estrada ay isang tao lamang.
Subalit naniniwala si dating Sandiganbayan Presiding Justice Manuel Pamaran, isa sa mga abogado ni Estrada na hindi magkatulad ang pirma ni Estrada at Velarde.
Kaugnay pa rin ng kaso ng dating pangulo, ipinakita naman ni Rene Collin Gray, assistant vice president ng Export Industry Bank, na tinangkang iligaw ni San Juan Mayor Joseph "JV" Ejercito ang pagdeposito niya ng P75 milyon sa Jose Velarde account.
Sinabi ni Gray na sa halip na isang tseke lamang ang mapupunta sa Velarde account na nagkakahalaga ng P75 milyon ay kinansela ito at pinaghati-hati sa apat na tseke. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest