Ikinalugod naman ng Malacañang ang hakbang ni De Venecia bilang panimula ng kooperasyon ng publiko sa layunin ng pamahalaan na ipasailalim sa quarantine ang mga dumarating na Pilipino mula sa China, Vietnam, Singapore at Hong Kong sa Ninoy Aquino International Airport.
Kaugnay nito, tiniyak ni Pangulong Arroyo na nananatiling ligtas ang Pilipinas sa killer pneumonia.
Samantala, sinusuri na ang isang domestic helper sa San Lazaro Hospital kung nagtataglay ito ng SARS matapos na dumating ito sa NAIA kamakalawa.
Agad na dinala sa nasabing pagamutan ang manggagawa na hindi ibinunyag ang pangalan matapos na nilalagnat nang dumating ito sa bansa mula sa Hong Kong. (Ulat nina Ely Saludar/Ellen Fernando)