^

Bansa

New Iraq gov't niluluto na

-
Inihahanda na ang isang interim government na magpapatakbo sa bansang Iraq sa sandaling malansag ng US-led coalition ang diktadura ni Saddam Hussein.

Sinabi ni US State Secretary Colin Powell na ang United Nations ay bibigyan lamang ng limitadong "coordination role" sa mabubuong pamahalaan ngunit hindi bibigyan ng karapatang mamahala.

Nakipag-usap na rin si US Pres. George Bush kay British Prime Minister Tony Blair sa White House para talakayin ang paghawak ng kapangyarihan sa Iraq sakaling magwagi sila sa laban.

Samantala, sa pinakahuli niyang pahayag sa telebisyon, tiniyak ni Bush na papalapit na nang papalapit ang katapusan ng rehimen ni Saddam.

"Hindi ko alam kung kelan pero natitiyak ko na malapit na ang paglaya ng mga mamamayang Iraqi," ani Bush.

Matapos paulanan ng Tomahawk cruise missiles ng US-led coalition forces ang Iraqi state TV na kontrolado ni Saddam ay isinunod umano nito ang isang palengke sanhi ng pagkasawi at pagkasugat ng maraming sibilyan.

Inakusahan ng Iraqi government ang coalition forces sa panibagong pambobomba sa public market sa Baghdad dahil matataong lugar umano ang tinatarget.

Kahapon din ay tuluyang nakubkob ng may 1,000 paratroopers ang Basrah Airfields.

Kaugnay nito, sinabi ng US Central Command na nakakuha sila ng intelligence report na ang mga ipinakita sa isang video na mga sundalong Kano na namatay ay biktima ng summary execution.

Base sa report, pinagbabaril ng walang kalaban-laban ang apat na sundalong ito na kabilang sa prisoners of war. (Ulat ng AFP at ni Ellen Fernando)

BASRAH AIRFIELDS

BRITISH PRIME MINISTER TONY BLAIR

CENTRAL COMMAND

ELLEN FERNANDO

GEORGE BUSH

SADDAM

SADDAM HUSSEIN

STATE SECRETARY COLIN POWELL

UNITED NATIONS

WHITE HOUSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with