^

Bansa

AFP di tatagal ng 15 segundo kapag nakisali sa giyera sa Iraq

-
Inamin kahapon ng pamunuan ng AFP na hindi sila tatagal ng kahit 15 segundo lamang ng pakikidigma sakaling makisali at sumabak sa digmaang magaganap sa Iraq.

Sa isinagawang congressional hearing sa budget ng AFP Modernization, sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Dionisio Santiago na kahit na ikumpara sa mga kagamitan at teknolohiya sa pakikidigma sa mga karatig na bansa gaya ng Singapore, Malaysia at Vietnam ay masyado na tayong nahuhuli.

Ibang suporta na lamang ang maaring ibigay ng bansa sa kaalyado nitong US tulad ng pagre-refuel ng mga barko at eroplano ng mga Kano.

Isinisi ni Santiago ang pagkakulelat ng AFP sa maraming taon ng pakikidigma nila sa mga rebeldeng NPA, MILF, ASG, MNLF kaya hindi napagtuunan ang pag-unlad ng ating mga kagamitang pandigma.

Sa mga baril at bala lamang umano ay milyun-milyon na ang nagagastos sa pondo ng AFP kaya hindi makabili ng mga bagong gamit kahit na mga second-hand na eroplano at barko.

Nadagdag pa dito ang sunud-sunod na pagbagsak ng mga eroplanong pandigma ng Phil. Air Force kung saan maging C-130 aircraft natin ay dalawa na lamang. (Ulat ni Danilo Garcia)

AIR FORCE

CHIEF OF STAFF GEN

DANILO GARCIA

DIONISIO SANTIAGO

IBANG

INAMIN

ISINISI

KANO

NADAGDAG

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with