GMA kumpiyansa kay Sec. Reyes
March 8, 2003 | 12:00am
Mananatili sa kanyang posisyon si Defense Secretary Angelo Reyes sa kabila ng mga panawagang pagbibitiw mula sa ilang sektor ng lipunan.
Ito ang tiniyak ng Malacañang kasabay ng pahayag na nananatiling buo ang suporta ni Pangulong Arroyo sa nasabing kalihim.
Isinisisi ng mga senador ang naganap na Davao International airport bombing na kumitil ng 21 katao sa mahinang military intelligence at kay Sec. Reyes na anilay wala ng dahilan para manatili sa kanyang puwesto.
Ayon kay Reyes, ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho.
Sinabi nito na hindi makabubuti sa bansa ang ginagawang pagsakay at paninisi lalo na ng mga pulitiko sa nagaganap na kaguluhan sa Mindanao para lalo lang sumikat sa kanilang pagkampanya.
"Sa halip na sama-samang magkondena laban sa terorista, hinahaluan pa ng pulitika. Sa Amerika nung 9-11 tragedy, hindi sila nagsisisihan, sama-sama silang gumagawa ng paraan paano malabanan ang terorista. Dito sa atin, makasakay lang sa isyu, maninisi pa ng tao," himutok ni Reyes.
Hindi naman naniniwala si Surigao del Sur Cong. Prospero Pichay na palpak ang military intelligence ng bansa.
Ayon sa solon, talagang mahirap hadlangan ang mga terrorist attack sa mga mataong lugar tulad ng Davao airport. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest