^

Bansa

Pagpapadala ng DH sa Hong Kong ipinatitigil ni GMA

-
Pansamantalang ipinahihinto muna ng pamahalaan ang pagpapadala ng mga Pilipinong domestic helper sa Hong Kong dahil sa desisyon ng HK Special Administrative Region na kaltasan ang minimum na sahod ng mga dayuhang manggagawa doon.

Ayon kay Pangulong Arroyo, inatasan na niya ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na suspindihin muna ang pagpoproseso ng mga kontrata para sa mga domestic helper patungong Hong Kong dahil sa ipinataw na pagbabawas ng HK$400 sa sahod ng mga domestic helper doon.

Inatasan din ng Pangulo si Labor Secretary Patricia Sto. Tomas na repasuhin ang kasalukuyang umiiral na mga patakaran sa pagpapadala ng mga Pinay DH at iba pang mga problemang may kinalaman sa manggagawa sa ibang bansa.

Nakatakda namang magpulong sa Biyernes ang POEA board at isa sa mga opsiyon nito na kinokonsidera ay ang paghiling na gawing polisiya na huwag aprubahan ang employment contract para sa mga Pinay DH na may buwanang sahod na bababa sa HK$3,670.

Simula sa Abril 1, 2003 ay kakaltasan ng HK$400 ang minimum wage para sa mga dayuhan.

Bunga nito, posibleng sa bansang China na lamang magpadala ng mga Filipino domestic helpers. Kabilang din ang Taiwan, Malaysia, Singapore at Japan sa mga alternatibong bansa upang dito ipadala ang mga Pinoy workers partikular na ang mga DH. (Ulat nina Lilia Tolentino/Jhay Mejias)

ABRIL

HONG KONG

JHAY MEJIAS

LABOR SECRETARY PATRICIA STO

LILIA TOLENTINO

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

PINAY

SPECIAL ADMINISTRATIVE REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with