^

Police Metro

9.8 milyong pamilyang Pinoy, ‘mahirap’ ang turing sa sarili -- OCTA

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinatayang 9.8 mil­yong pamilyang Pilipino o katumbas ng 37% ng mga respondent, ang nagsabing itinuturing nilang mahirap ang kanilang sarili sa ikatlong kuwarter ng 2026, batay sa pinakahuling survey ng OCTA Research.

Sinabi ng OCTA, hindi nagkaroon ng makabuluhang pagbabago ang natu­rang bilang kumpara sa ika­lawang kuwarter ng taon, kung kailan nasa 39% o humigit-kumulang 10.3 mil­yong pamilya ang nag­sabing sila ay mahirap. Pasok pa rin ito sa ±3% margin of error ng survey.

Habang ang 42% ang hindi masabi kung mahirap o hindi mahirap sila, at 21% ang nagsabing hindi sila mahirap.

Ipinakita rin ng non-commissioned na Tugon ng Masa survey na 56% ng mga respondent sa Min­danao ang nagsabing mahirap sila. Sinundan, ito ng 49% sa Visayas, 26% sa Balance Luzon o iba pang bahagi ng Luzon maliban sa Metro Manila na may 26%, at 20% sa National Capital Region.

Batay naman sa antas ng pamumuhay, 52% ng mga kabilang sa Class E ang nagsabing itinuturing­ nilang mahirap ang kani­lang sarili. Sa Class D, 38% ang nagsabing mahirap sila, habang 17% naman sa Class ABC ang may parehong pananaw.

Samantala, 22% o hu­mi­git-kumulang 5.8 mil­yong pamilya ang nagsabing nakaranas sila ng involuntary hunger o walang makain kahit isang beses sa nakalipas na tatlong buwan bago ang survey sa ikatlong quarter ng taon.

Isinagawa ang survey mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 4 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 lalaki at babaeng nasa hustong gulang. Ang margin of error ay ±3% sa 95% confidence level.

POVERTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with