^

Bansa

US troops lookout lang ng AFP – Reyes

-
Hindi sasabak sa operatiba ng militar sa Sulu ang mga tropang Amerikano.

Ito ang tiniyak ni Defense Secretary Angelo Reyes kay RP Ambassador Albert del Rosario ng magkita sila sa Washington kamakalawa.

Iginiit ni Sec. Reyes na hindi lalabagin ng Balikatan 03-1 ang Konstitusyon dahil hindi sasali sa offensive combat operation laban sa mga terorista at extremist groups sa Sulu ang mga sundalong Kano.

Nanindigan ang Defense chief na bilang mga trainors at advisers lamang ng AFP ang magiging papel ng mga Amerikano.

Si Sec. Reyes ay tumulak patungong US noong Linggo upang makipagkita sa counterpart niyang si Secretary Donald Rumsfeld para pag-usapan ang terms of reference (TOR) sa Balikatan 03-1 sa Sulu at rebyuhin ang defense at security issues sa pagitan ng dalawang bansa. (Ulat ni Danilo Garcia)

AMBASSADOR ALBERT

AMERIKANO

BALIKATAN

DANILO GARCIA

DEFENSE SECRETARY ANGELO REYES

IGINIIT

REYES

SECRETARY DONALD RUMSFELD

SI SEC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with