Generals sa pyramid scam igigisa
March 1, 2003 | 12:00am
Isa-isa nang sisiyasatin ng National Police Commission (Napolcom) ang mga heneral at iba pang top officials ng PNP na kasangkot sa pyramid scam na nakapambiktima ng libong katao.
Magsasagawa na ng background check ang Napolcom sa lifestyle ng mga PNP generals at masusi nilang iimbestigahan kung may mataas na opisyal na namumuhay ng marangya sa kabila na naghihikahos ang bansa.
Ayon kay Atty. Bernardo Calibo, spokesperson ng Napolcom, ang hakbangin ay alinsunod sa naging kautusan ni Pangulong Arroyo na magpatupad ng lifestyle check sa lahat ng mga opisyal ng gobyerno.
Kaugnay nito, hiniling kahapon ng Senado kay Immigration Commissioner Andrea Domingo na ilagay sa hold departure order list ang may 29 personalidad na sangkot sa pyramid scam.
Sa ipinadalang liham ni Sen. Robert Jaworski, chairman ng Senate committee on trade and commerce kay Domingo ay hiniling nitong ilagay sa HDO list ang mag-asawang Ervin at Evelyn Mateo, Brenda Baarde, Imelda Furto pawang ng Mateo Management Group; Rosario Baladjay ng Multitel, Ma. Teresa Santos ng MTS Trading, Jesus at Rosemarie Mayuga ng Tibayan Group at iba pang personalidad na sangkot sa pyramid scam.
Ayon kay Jaworski, hindi dapat payagan na makalabas ng bansa ang 29 personalidad na ito habang sila ay iniimbestigahan ng NBI, PNP at Senado kaugnay sa kanilang paglabag sa Corporation Code, Consumer Act at mga kasong kanilang kinakaharap tulad ng large scale swindling at syndicated estafa.
Inisyuhan din ng komite ni Jaworski ang nasabing personalidad ng warrant of arrest dahil sa pagkabigo ng mga ito na dumalo sa dalawang Senate inquiry na ipinatawag ng Senado.
Kabilang sa mga kumpanya na pinag-iingat ang publiko upang hindi mapabilang sa mahabang listahan ng naging biktima nito ang MMG, Multitel, MTST, Five Vision Consultancy, Intercontinental Services, Portfolio Management Services, Overseas Workers Capital, Mateo Pre-Need Plans, Conrad Group and Associates, Everflow Group of Companies at MMC Investment and Financial Management. (Ulat nina Lordeth Bonilla at Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended