^

Bansa

PPA sa gamot di nakalalason – DOH

-
Pinasinungalingan ng Department of Health (DOH) na nakamamatay ang phenylpropanolamine (PPA) na sangkap sa ilang gamot para sa ubo at sipon.

Ayon kay DOH Secretary Manuel Dayrit, walang katotohanan ang naging ulat ng US Food and Drug Administration na ang PPA ay isang sangkap na maaaring gamitin sa paggawa ng shabu.

Sinabi ni Dayrit na ang naturang US report at mga alegasyong ikinakalat ng ilang mga doktor hinggil sa PPA ay walang siyentipikong pag-aaral na magpapatotoo na nakasasama ang naturang sangkap na kemikal.

Ang kemikal umano na psuedo ephirin ang siyang sangkap na pinakamalapit sa paggawa ng shabu at hindi ang kemikal na PPA.

Nilinaw ni Dayrit na ang ipinalabas na direktiba ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) ay paalala lamang na mag-ingat sa paggamit ng mga gamot na may PPA at hindi ito direktibang nagbabawal sa paggamit ng nasabing kemikal.

Sa kabilang banda, ibinunyag naman ni Dr. Nelia Maramba ng UP-PGH na anim katao na ang namamatay sa nakalipas na tatlong taon dahil sa paggamit ng mga gamot na may halong PPA.

Nagdudulot umano ang nasabing sagkap ng atake sa puso, pagtaas ng presyon ng dugo, brain hemorrhage, pagkabulag, prostate cancer at arrhythmia. (Ulat ni Jhay Mejias)

AYON

DAYRIT

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. NELIA MARAMBA

DRUG ADMINISTRATION

JHAY MEJIAS

NAGDUDULOT

NILINAW

PINASINUNGALINGAN

SECRETARY MANUEL DAYRIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with