Pangulong Arroyo pa-Malaysia

Bibiyahe ngayon patungong Kuala Lumpur, Malaysia si Pangulong Arroyo para dumalo sa pulong ng Non-Aligned Movement na dadaluhan ng 113 mga bansa,

Isa si Pangulong Arroyo sa 83 mga lider ng bansa na makikipagtalakayan sa iba’t ibang mga isyu na nakakaapekto sa mga bansang miyembro ng non-aligned nations.

Makakasama ng Pangulo sa kanyang biyahe sina Foreign Affairs Secretary Blas Ople, Presidential Spokesman Ignacio Bunye at ilang opisyal ng pamahalaan.

Nakatakdang makipagpulong kay Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad sa mga isyung may kinalaman sa interes ng dalawang bansa partikular ang isinusulong na negosasyong pangkapayapaan sa MILF sa Mindanao. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments