Erap nanalo sa kaso vs jeepney driver
February 18, 2003 | 12:00am
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nanalo si dating Pangulong Joseph Estrada sa kasong isinampa nito laban sa isang jeepney driver na nakabangga sa kanya noong senador pa lamang ito.
Base sa 9-pahinang ipinalabas na desisyon ng Court of Appeals (CA), inatasan nito ang jeepney driver na si Efren Ramos at ang operator na si John Lim na bayaran si Estrada.
Sa rekord ng Korte, naganap ang aksidente sa trapiko noong May 7, 1998.
Minamaneho ni Estrada ang kanyang Nissan Datsun Station Wagon sa may intersection ng Edsa at Ortigas Ave. na may plakang PCD-717 kasama ang kanyang bodyguard na si Benedicto Flores ng bigla na lamang lumusot ang jeep na may plakang DEL-997 na minamaneho ni Ramos.
Nagtamo ng sugat sa kanyang kilay si Estrada habang nasugatan ang kanyang bodyguard sa noo, kanang mata at ulo.
Pinagbabayad si Ramos ng halagang P5,560 na gastusin sa ospital, P144,206 pagpapagawa ng nasirang kotse ni Erap, P200,000 moral damages at P30,000 sa abugado.
Iginiit ni Ramos na may kasalanan din si Estrada dahil sa natuklasan nilang wala itong dalang drivers license at ang plaka ng kotse ay peke dahil ang plakang ito ay gamit niya sa isa pa niyang kotse.
Kinatigan pa rin ng CA ang hatol ng Pasig RTC sa pagsasabing walang kinalaman sa aksidente ang kawalan ng lisensiya at pekeng plaka ng kotse.
Ayon sa CA malinaw ang naging pagkakamali ni Ramos dahil sa pilit nitong hinabol ang yellow light gayung dapat ay unti-unti na nitong binagalan ang kanyang takbo subalit binilisan pa niya. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest