Mindanao magkukulang sa kuryente
February 17, 2003 | 12:00am
Nagbabala kahapon ang Department of Energy (DOE) sa posibilidad na magkaroon ng kakulangan sa kuryente sa Mindanao sa susunod na limang taon dahil sa biglang pagtaas ng demand sa elektrisidad.
Ito ang sinabi ni Elizabeth Navalta, director ng DOE sa isinagawa nitong briefing sa mga miyembro ng House Committee on Mindanao Affairs kaugnay sa power situation sa Mindanao.
Sinabi ni Navalta sa komite na pinamumunuan ni Davao Oriental Rep. Mayo Almario na dahil sa heightened activities sa Mindanao, hindi magma-match ang demand ng consumer at ang suplay ng kuryente sa rehiyon.
Ang projection ng DOE ayon kay Navalta ay base sa projection ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa pagtaas ng gross domestic product (GDP) ng bansa. Buhat sa figures ng GDP at iba pang sukatan ng fuel prices at population growth, nakikita rin ng DOE ang pagtaas sa electric power sales sa loob ng lima hanggang 10 taon.
Ipinaliwanag naman ni Energy Undersecretary Emmanuel de Dios sa nakaraang hearing na ginagamit ng DOE ang GDP figures upang madetermina ang demand ng elektrisidad sa buong bansa.
Siniguro naman ni Navalta sa mga kongresista na kasapi ng komite na ginagawa ng DOE ang lahat ng paraan upang maiwasan ang napipintong power shortage sa Mindanao. Kabilang na dito ang completion ng Mindanao Energy Plan ngayong Hunyo at pagpapatupad ng energy program sa lahat ng rehiyon.
Magugunitang sinabi kamakailan ni Pangulong Arroyo na mangangailangan ang bansa ng karagdagang 6,000 megawatts ng elektrisidad sa susunod na 10 taon upang maiwasan ang power shortage at P400 bilyon mula sa private sector investments upang pondohan ang pangangailangan ng bansa sa elektrisidad. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest