6 kidnaper pumuga
February 12, 2003 | 12:00am
Anim na preso na pawang may kasong kidnap-for-ransom ang pumuga sa Quezon City Jail makaraang lagariin ang mga rehas na bakal sa kanilang selda, kahapon ng umaga sa Quezon City.
Kinilala ni Senior Supt. Antonio Cruz, director ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mga tumakas na sina Jaime Moog, 44; Edgar Allen Alvarez, 28; Felicisimo Laygo, 41; Primo Arena, 38; Antonio Tan, 47 at Benjamin Dy, 58.
Nabatid na ang mga suspek ay pawang nadakip ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force at napiit sa QC jail noong 1999.
Dahil dito, agad na sinibak sa tungkulin si QC Warden Supt. Emilio Culang at ang mga duty officer na sina JO3 John Waling, JO1 Joaquin Campo at JO1 Felix Marcos.
Si Culang ay papalitan ni Supt. Romeo Vio, samantalang ang tatlong jail officer ay nasa floating status sa BJMP-NCR. Ang mga nabanggit ay nakatakdang sampahan ng infidelity in the custody of a prisoner.
Base sa inisyal na ulat, naganap ang pagpuga dakong alas-2:15 ng madaling araw sa Dorm 6 ng Annex building ng QC Jail.
Nakarinig umano si Campo ng sigaw mula sa isang preso na mayroong tumatakas sa likuran kung kayat agad nila itong pinuntahan subalit nakalabas na ang mga ito.
Napag-alaman na matapos malagare ang iron grill sa Dorm 6 ay gumamit ng lubid ang mga preso na isinabit sa isang bakal upang makababa at makalayo sa piitan.
Dumaan ang mga tumakas malapit sa tanggapan ng Girl Scout of the Philippines (GSP) at tuluyang nakatakas.
Agad namang nag-utos ng manhunt operation laban sa mga pumugang bilanggo.
Napag-alaman na naging biktima nina Moog, Alvarez, Laygo at Arena ang isang Channi Tan Sun na ang kaso ay kasalukuyang dinidinig sa QCRTC branch 81 habang si Grace Tuvera ang biktima naman nina Tan at Dy kung saan nasa QCRTC branch 161 ang kaso nito. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended