MRT binanatan sa palpak na serbisyo
February 10, 2003 | 12:00am
Binatikos kahapon ng daang commuters ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) dahil sa kawalan ng aksyon na kumpunihin ang mga sirang kagamitan nito partikular na ang mga high-tech machine na nilulusutan ng card para makapasok at makalabas sa mga istasyon.
Ayon sa mga galit na commuters, hindi umano sapat ang kanilang ibinabayad dahil sa palpak na serbisyong ibinibigay ng mga ito.
Isang empleyada na tumangging ihayag ang pangalan ang nagwala sa MRT Guadalupe station matapos na mairita sa haba ng pila palabas sa naturang istasyon.
Nabatid na sa haba ng pila ng mga commuters ay iisang machine lamang ang gumagana kaya hindi napigil ng empleyada na magwala dahil sa pagkaantala nito papasok sa kanyang trabaho.
Dahil dito, lumapit ang guwardiya at sinabing ipaaayos umano agad ang mga depektibong makina.
Kasabay nito, maging ang Light Rail Transit na bumibiyahe sa Baclaran-Monumento ang mapapansing mga depektibo maging ito man ay airconditioned.
Madalas na tumigil sa gitna ng mga istasyon dahil sa biglang hindi maintindihan na sira nito sanhi ng biglang pagpreno kaya madalas na mapasigaw ang mga pasahero. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest