^

Bansa

Senador Flavier inakusahang madamot

-
Inakusahang madamot ng mga empleyado ng Senado si Senate President Pro-Tempore Juan Flavier matapos umanong iutos nito ang pagbabawal sa mga personnel na gamitin ang Senate mansion sa Baguio City.

Binatikos ng mga empleyado ang ginawang kautusan ni Senate Secretary Oscar Yabes matapos nitong ipagbawal ang paggamit ng Senate mansion simula nitong Enero 28.

Malaki ang paniniwala ng mga empleyado na ang nag-utos ng memorandum order no. 2003-001 ay si Sen. Flavier dahil matapos umakyat umano ang senador kasama ang pamilya nito sa Baguio City at mabatid na ginagamit ito ng mga Senate personnel, nang bumaba umano si Flavier ay biglang lumabas ang order na nagbabawal sa mga empleyado na gamitin ang naturang mansion.

"Ito ba ang nag-aambisyong maging presidente ng bansa, masyadong madamot gayong hindi naman niya pag-aari ang senate mansion?" wika ng source.

Iginiit pa ng mga nagrereklamong empleyado, dati-rati nang ginagamit ang mansion ng mga empleyado at maging ng mediamen na nagco-cover ng senado.

"Nakita lang niya na may mga empleyado na gumagamit ng senate mansion biglang lumayas na siya ng mansion na parang ayaw niyang may makasamang empleyado ng Senado doon," dagdag pa ng impormante. (Ulat ni Rudy Andal)

BAGUIO CITY

EMPLEYADO

FLAVIER

MANSION

RUDY ANDAL

SENADO

SENATE

SENATE PRESIDENT PRO-TEMPORE JUAN FLAVIER

SENATE SECRETARY OSCAR YABES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with