NPA mga economic saboteurs
January 25, 2003 | 12:00am
Ang pag-atake sa walang kalaban-labang tao o mamamayan ay maituturing na isang karuwagan sa parte ng mga komunista. Hindi nila kayang harapin ang kanilang biktima na walang takip ang kanilang mukha. Kung talagang sila ay matatapang at handang mamatay para lamang sa kanilang simulain, bakit hindi nila kayang humarap na walang takip ang mukha?
Karamihan sa mga komunista na nagsasagawa ng pagpatay ay walang pagkakilanlan. Nagsusuot sila ng maskara o bonnet upang maitago ang kanilang tunay na pagkatao at upang hindi tugisin at maparusahan. Sa kanilang organisasyon, walang nakakaalam ng kanilang tunay na pagkatao.
Kung kailan titigil ang mga komunista sa kanilang walang humpay na pagpatay at pagsira ng ari-arian ay walang nakakaalam. Hindi dapat iasa ang lahat sa gobyerno at militar. Dapat may partisipasyon ang bawat mamamayan. Unti-unting nagbubunga ng maganda ang kooperasyon ng mamamayan dahil marami ng kampo ng CPP-NPA ang nabawi ng militar, nabawasan din ang pagrerecruit ng mga kabataan at napigil ang ilang pagtatangka ng mga komunista na magpuslit ng mga gamit sa paggawa ng bomba. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended