^

Bansa

2 Pangulo ng employees association ng TESDA kinasuhan

-
Sinampahan kahapon ng kasong libelo sa Quezon City Prosecutor’s Office ni Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) Director General Dante Liban ang dalawang Presidente ng TESDA employees association dahil sa paratang sa kanya na siya ay isang ‘corrupt’ official at umano’y sangkot sa maraming anomalya.

Ang mga kinasuhan ay sina Annie Geron at Sonia Lipio, Presidente ng Samahang Malaya at Magkakaisang Kawani ng TESDA at TESDA Association of Concerned Employees Union.

Bukod dito, sinampahan din ni Liban ng libelo ang pahayagang Tempo dahil sa aniya’y ginawang pakikipagkutsabahan kina Geron at Lipio noong Enero 18, 2003 na nagsasabing ang TESDA chief ay nagkaroon umano ng katiwalian at malversation ng pondo.

Inakusahan ang tanggapan ni Liban na sangkot sa anomalya ng pagbebenta ng Artist Record Book (ARB) at ‘payola’ scheme sa pagitan ng TESDA officials at testing center owners. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANNIE GERON

ARTIST RECORD BOOK

ASSOCIATION OF CONCERNED EMPLOYEES UNION

DIRECTOR GENERAL DANTE LIBAN

LIBAN

MAGKAKAISANG KAWANI

QUEZON CITY PROSECUTOR

SAMAHANG MALAYA

SONIA LIPIO

TECHNICAL EDUCATION SKILLS AND DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with