^

Bansa

Impeachment vs GMA di tinanggap ng Kamara

-
Hindi man lamang naka-first base ang impeachment complaint laban kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na inihain kahapon ng Philippine Consultative Assembly (PCA) na pinamumunuan nina dating Senador Juan Ponce Enrile at Francisco Tatad matapos itong tanggihan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Hindi tinanggap ni House Secretary General Roberto Nazareno ang impeachment complaint nang dalhin bandang alas-4:30 ng hapon sa Kamara ni Lynda Montayre, Chairman ng PCA at ng iba pa nitong mga kasamahan.

Base sa impeachment rules, kinakailangang may mag-endorsong Kongresista bago tanggapin ng House Sec. Gen ang anumang impeachment complaint.

"The rules are very clear. A complaint for impeahment filed by private complainant can only be entertained if there is a corresponding endorsement from a member or members of the House," ani Nazareno.

Sinabi naman ni Montayre na dapat ay tinanggap ang reklamo alang-alang sa tinatawag na due-process.

Nagtataka si Montayre kung bakit nagmamatigas ang Kongreso sa pagtanggap ng kanilang ihahaing impeachment complaint laban sa Pangulo. (Ulat ni Malou Escudero)

FRANCISCO TATAD

HOUSE SEC

HOUSE SECRETARY GENERAL ROBERTO NAZARENO

KONGRESO

LYNDA MONTAYRE

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU ESCUDERO

MONTAYRE

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PHILIPPINE CONSULTATIVE ASSEMBLY

SENADOR JUAN PONCE ENRILE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with