Corruption sa TESDA iimbestigahan ng kongreso
January 22, 2003 | 12:00am
Isasalang sa imbestigasyon ng mga dating kasamahan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Technical Education Skills Development Authority (TESDA) Director-General Dante Liban dahil sa napabalitang katiwalian sa kanyang tanggapan.
Sa isang privilege speech, sinabi kahapon ni Bulacan Rep. Willie Villarama na dapat sagutin ni Liban ang mga akusasyong ibinabato sa kanya ng mga Overseas Filipino Workers(OFWs) dahil sa umanoy bentahan ng Artist Record Book (ARB) sa mga hindi kuwalipikadong talents sa halagang P25,000-P45,000.
Kabilang din sa akusasyon ang ginawang pagpapalit umano ni Liban sa mga testing administrators mula sa kanyang congressional district.
Ayon kay Villarama, sensitibo ang nasabing trabaho dahil ang TESDA ang nagsasala ng mga OFWs na magtrabaho sa labas ng bansa. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest