^

Bansa

Pagdanganan bagong DAR secretary

-
Itinalaga ni Pangulong Arroyo si dating Bulacan governor Roberto "Obet" Pagdanganan bilang bagong kalihim ng Department of Agrarian Reform (DAR) kapalit ni Hernani Braganza na hinirang bilang Press Secretary.

Ang pagpili ng Pangulo kay Pagdanganan ay naganap dalawang araw bago magsimula ang panunungkulan ni Braganza sa Malacañang.

Si Pagdanganan ang Presidential Adviser on Cooperatives bago napiling pinuno ng DAR na ang pangunahing tungkulin ay itaguyod ang kapakanan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng ipinatutupad na repormang agraryo.

Miyembro ito ng Lakas-NUCD-UMDP at una niyang ipinakita ang kakayahang mamuno nang mahalal siyang gobernador ng Bulacan.

Dalawang ulit siyang natalo sa kandidatura bilang senador sa halalan noong 1992 at 2001. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BRAGANZA

BULACAN

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

HERNANI BRAGANZA

LILIA TOLENTINO

PAGDANGANAN

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL ADVISER

PRESS SECRETARY

SI PAGDANGANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with