MEPT, OWWA chief tutulak patungong ME
January 6, 2003 | 12:00am
Nakatakdang magtungo sa Kuwait sina Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) chief Virgilio Angelo at ang Middle East Preparedness Team (MEPT) sa pangunguna ni Special Envoy Roy Cimatu upang asikasuhin ang contingency plan para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sakaling sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Estados Unidos at Iraq.
Pangunahing layunin ni Angelo at ng MEPT ay tiyakin ang kaligtasan ng mga Filipino workers sa Gulpo na maaaring maapektuhan ng napipintong giyera.
Unang pupuntahan ng team ang Kuwait, Saudi Arabia at United Arab Emirates kung saan makikipagpulong sina Angelo at Cimatu sa Filipino communities at mga non-government organizations (NGO) upang talakayin ang mechanics ng contingency plan at i-alerto ang mga workers sa anumang kaganapan.
Sinabi pa ni Angelo na makikipag-usap sila sa Middle East host govenment upang matiyak ng bansang Pilipinas na magiging ligtas ang mga trabahador na nakabase doon.
"I want to assure the OFWs and their families here that there is no reason no be alarmed because the Middle East situation is still normal with the workers peacefully doing their works," dagdag ni Angelo. (Ulat nina Butch Quejada/Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 1, 2024 - 12:00am
November 29, 2024 - 12:00am