^

Bansa

Pagtestigo ni Erap sa Senado tuloy na

-
Tuloy sa Enero 14 ang pagtestigo ni dating Pangulong Joseph Estrada sa hearing ng senate committee on government corporations na nagsisiyasat sa diumano’y anomalya sa kontrata ng IMPSA para sa rehabilitasyon ng planta ng kuryente sa Laguna.

Ayon kay Estrada, inaasahan niyang wala nang magiging balakid sa pagtestigo niya sa komiteng pinamumunuan ni Senador John Osmeña, pagkaraang maunsiyami ang nauna niyang nakatakdang pagdalo sa imbestigasyon.

Mayroon na anyang kaukulang notisya sa Sandiganbayan at gayundin sa Philippine National Police kaya sa tantiya niya, segurado na ang pagharap niya sa Senado.

Sinabi ni Estrada na ibibigay niya sa Senado ang detalye ng kontratang ito na sinimulan noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AYON

ENERO

LILIA TOLENTINO

MAYROON

PANGULONG FIDEL RAMOS

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SANDIGANBAYAN

SENADO

SENADOR JOHN OSME

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with