NBI umentra na sa Mateo scam
December 30, 2002 | 12:00am
Nakialam na ang National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa anomalyang kinakaharap ngayon ng Mateo Management Group of Companies (MMG) matapos na madawit pati ang pangalan ng NBI sa kaguluhan.
Agad inutos ni NBI Director Reynaldo Wycoco kay Atty. Oscar Embido, chief intelligence special operations division ng NBI, para alamin ang mga tao na nagsasamantala sa nangyayaring gulo para mangotong kay MMG chairman Engr. Ervin Mateo.
Masusing iniimbestigahan ngayon ng NBI ang report na isa umano sa principal suspect na nasa likod ng mga alingasngas laban kay chairman Mateo ay ang kanyang asawang si Evelyn Mateo.
Una rito, personal na humingi na ng tulong kay Wycoco si Engineer Mateo upang sabihin na hindi siya ang dapat habulin ng mga business partners nito dahil ang may hawak ng pondo ng naturang kumpanya ay si Evelyn bilang finance manager ng MMG companies.
Bunsod nito, patuloy na binubusisi ng NBI ang tunay na motibo kung bakit nais umano ni Evelyn na kamkamin ang lahat ng naipundar ni Engineer Mateo sa tulong ng isang retiradong heneral ng PNP, mga kasabwat na opisyal ng kumpanya at ilang kaanak umano ni Evelyn.
Napag-alaman din na nagastos na ni chairman Mateo ang personal nitong pera para bigyan ng kaukulang pondo ang mga claimants ng kumpanya.
Niliwanag din nito na hindi niya inootorisahan si June Estrada at isang Atty. Villagracia upang mangasiwa sa proseso ng mga papeles ng mga claimants at maningil ng P200 attorneys fee sa bawat claimants dahil ang 24-hour call center ng kumpanya ay libreng nag-aasikaso sa mga ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended