^

Bansa

Taas sa pasahe ihihirit kapag natuloy ang oil hike sa Enero

-
Inangalan kahapon ng mga transport group ang nakatakdang pagpapatupad ng panibagong oil price hike na P.96 sentimos kada litro ng mga higanteng kumpanya ng langis sa bansa sa Enero 2003.

Sinabi ng grupong Philippine Confederation of Drivers and Operators-Alliance of Concerned Transport Organization (PCDO-ACTO) at Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na kung hindi na mapipigilan ang pagtataas ng presyo ng langis ay ihihirit rin nila ang dagdag na singil sa pasahe.

Iginiit ng grupo na hindi makatwiran ang sinasabing panibagong taas sa presyo ng langis kahit pa nagkaroon ng pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo nitong Nobyembre at Disyembre.

"Yan ang problema sa mga oil companies, mabilis ang increase nila pero kapag rollback ay sapilitan at parang nagmamakaawa pa sa kanila ang mga operators at drivers," patutsada ni PCDO-ACTO president Efren de Luna.

Sa panig naman ni Menardo Roda, taga-pangulo ng PISTON, hindi dapat ikatwiran ng mga kumpanya ng langis na ang pagtataas muli sa presyo ng naturang produkto ay upang mabawi naman nila ang kanilang gagastusin sa implementasyon ng Clean Air Act.

Ayon sa grupo, kung gugugol ng salapi ang mga oil companies para sa Clean Air Act ay gagastos rin umano sila para naman sa mandatory emission test na ipatutupad rin sa susunod na taon.

Nabatid pa kay Roda na sa Enero ay muli nilang kakalampagin ang tanggapan ng Land Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para itakda ang pagdinig sa kanilang petisyon na magdagdag naman ng singil sa pasahe.

"Kung magtataas sila ng presyo ng langis, siguro naman karapatan rin naming mga operators at drivers na magkaroon ng pagtataas sa singil sa pasahe dahil hirap at malulugi naman kami kung di namin ito gagawin," ani Roda. (Ulat ni Joy Cantos)

AYON

CLEAN AIR ACT

DRIVERS AND OPERATORS-ALLIANCE OF CONCERNED TRANSPORT ORGANIZATION

ENERO

JOY CANTOS

LAND FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MENARDO RODA

OPERATORS NATIONWIDE

RODA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with