Super lolo, super bawang bawal sa Bagong taon

Mas mahigpit na pagbabantay ngayon ang isasagawa ng PNP sa pagdiriwang ng Bagong Taon kung saan hindi na nila papayagan pang magamit ang ilang uri ng mga napakalakas na paputok na sanhi ng pagkabaldado at pagkamatay ng isang tao.

Niliwanag ni Civil Security Group director Chief Supt. Reynaldo Berroya na bawal na ngayon ang mga paputok na Super Lolo Thunder, Super Bawang, Pla-pla, Kwiton bomb, Atom bomb at Giant Whistle bomb.

Ang tanging papayagan ay mga paputok na naglalaman lamang ng .03 grams ng black powder na siyang nakasaad sa batas.

Samantala ang mga puwedeng paputukin lay 3-star at 5-star na triangulo, judas belt, ordinaryong whistle bomb, trompillo, fountain, kwitis, pailaw at Roman candle.

Parusang pagkabilanggo ng anim na buwan hanggang isang taon at piyansang P20,000-P30,000 ang ipapataw sa mga lalabag. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments