^

Bansa

Jeepney sumirko, 11 patay

-
COTABATO CITY – Labing-isang pasahero ng jeepney ang nasawi at 22 pa ang nasa grabeng kalagayan ng mawalan ng kontrol ang sasakyan at araruhin ang malaking tipak na bato dahilan para sumirko ito sa highway sa Antipas, North Cotabato kamakalawa.

Sampu sa 11 namatay ay nakilalang sina Manuel Sevilla, 10 anyos; Annalie Valdez, Corazon Osorio, Gerry Dumlao, Edgar Comahig, Usman at Ali Ampaso, Novelyn Tesoro, Raff John Ubid at isang sundalo na natukoy sa pangalang Delfin Uson na kabilang sa Army’s Special Forces Unit.

Samantala ang isa na hindi pa nakilala ay lalaki, umeedad ng 30, mahaba ang buhok naka-maong at puting t-shirt.

Sa pahayag ng driver na si Joey Padernal, habang dumadaan sa kurbadong kalsada sa bahagi ng Antipas-Kidapawan City highway sa Barangay Loong ay napansin nito na ayaw kumagat ng preno.

Sa pangambang magtuluy-tuloy pababa ang jeepney ay tinangkang mapahinto ni Padernal ang sasakyan kaya kanya itong ibinangga sa isang malaking bato, subalit sa halip na tumigil ay bumaligtad ang jeepney.

Karamihan sa mga namatay ay nagtamo ng matitinding mga sugat sa ulo nang magtalunan ang mga ito palabas ng jeep habang gumegewang ang sasakyan pababa sa kurbadong daan.

Samantala agad namang isinugod sa iba’t ibang ospital ang mga sugatan na karamihan ay matatandang babae.

Nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide and multiple physical injuries ang driver. (Ulat ni John Unson)

vuukle comment

ALI AMPASO

ANNALIE VALDEZ

ANTIPAS-KIDAPAWAN CITY

BARANGAY LOONG

CORAZON OSORIO

DELFIN USON

EDGAR COMAHIG

GERRY DUMLAO

JOEY PADERNAL

JOHN UNSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with