P8-M hatag ni MJ kay Mike Arroyo
December 18, 2002 | 12:00am
Inakusahan ng kontrobersiyal na si Manila Cong. Mark Jimenez si First Gentleman Mike Arroyo na tumanggap ito ng P8 milyong halaga ng tseke na umano ay kontribusyon mula sa kanya.
"Ibinigay ko kay Mike Arroyo, iyong dalawa kaharap ako, iyong lima dun sa isang kaibigan ko inabot. Alam ninyo na kung sino iyon," pahayag ni Jimenez sa mga mamamahayag.
Nakatakda umano nitong sabihin ang buong detalye sa kanyang privilege speech sa Kongreso at ang dahilan bakit niya binigyan ng malaking pera si Arroyo.
Sinabi naman ni Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao na walang dapat ikatago ang Malacañang sa sinasabing kontribusyong hiningi mula kay Jimenez dahil ang tseke ay kinalap hindi ng First Gentleman kundi ni Bulacan Congressman Willy Villarama noong 1999 na dating Chief of Staff ni Pangulong Arroyo noong panahong ito ay Vice President.
Sinabi ni Tiglao na nanghingi ng kontribusyon si Villarama kay Jimenez para sa Lualhati Foundation,isang organisasyong itinatag noong 1993.
Ang pundasyong ito ay nagsasagawa ng mga gawaing panlipunan tulad ng medical mission.
Sinabi ni Tiglao na lahat ng tsekeng sinasabi ni Jimenez ay may resibo ang pagkakatanggap at dokumentado na pawang ideneposito sa pondo ng pundasyon. (Ulat nina ACorvera/LTolentino/ESaludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended