^

Bansa

Jules at Assunta ikinasal na

-
HACIENDA EUZKARA, San Carlos City - Sa kabila ng pagtutol ng ilan, wala ng nakapigil pa sa pag-iisang dibdib nina Negros Occidental Rep. Jules Ledesma IV, 41, at Assunta de Rossi, 19, sa idinaos na year-end wedding kahapon sa garden ng Executive House ng Ledesma Group of Companies sa siyudad na ito, 50 kilometro mula sa Bacolod City.

Muntik na umanong maubos ang luha ni Rep. Ledesma, 5’2" habang nakikipagpalitan ng "I do’s" kay Assunta, 5’9".

Suot ng bride ang three-piece aqua raw silk dress worth P100,000 na dinisenyo ni Frederick Peralta na siya ring gumawa ng Barong Tagalog ng groom.

Ang civil wedding ay natapos sa loob lamang ng 15 minuto na nagsimula bandang alas-11 ng umaga. Limang mayors ng Negros Occidental ang nagkasal sa kanila na sina Eugenio Jose Lacson ng San Carlos City, Samuel Fabroz ng Calatrava, Victor Medoña Jr. ng Toboso, Santiago Barcelona Jr. ng Escalante at Cynthia dela Cruz ng Don Salvador Benedicto.

Kasama sa entourage ang mga anak ni Jules na sina Julieta, 10 at Julio Carlos, 5, sa unang asawa na si Maria Victoria Tsung Pek pero walang secondary sponsors.

Anim na buwan munang nag-live-in ang dalawa bago ang naturang civil ceremony.

Kahit binigyan ng imbitasyon na kumpleto sa round-trip tickets ay hindi sumipot ang ina ni Assunta na si Nenita at kapatid na si Alessandra. Wala rin ang Italian father ni Assunta.

Ang seremonya ay "live" exclusively ng ABS-CBN kung saan ang Lopezes na may-ari nito ay pinsan ni Jules.

Matapos ang kasal ay nagsalu-salo ang mga bisita at well-wishers na nag-enjoy sa Russian salad, Paella, Chicken Relleno, Lengua, Steamed Fish, Roast Beef, Leche Flan at Braso de Mercedes.

Bago ang kasal, isang engagement dinner ang ginawa sa Hacienda Euzkara kung saan si Assunta ay hinarana ng mga love songs habang may 800 torch-bearing workers at public school teachers na naka-baro’t saya ang sumayaw.

Sa dinner rin na ito ibinigay ni Jules kay Assunta ang isang set ng pearl necklace, earrings at isang engagement ring na sinasabing nagkakahalaga ng $4,000.

Sa invitation card ay naka-print ang isang quote na kinuha ni Jules sa poet na si Anton Chekov na nagsasaad ng ganito: "To my dear Sam. You are the air that I breathe. We shall rest. We shall hear the angels sing. We shall see the whole day sparkling like diamonds. I believe this with all my heart. I promise thee all these and more of our lives."

Matapos ang kasal, balik-Congress na si Jules habang si Assunta ay magiging abala naman sa kanyang TV-movie assignments. May tatlo pa siyang pelikula na gagawin bago ang naka-planong January 2004 wedding. Kakatapos lang pumirma ni Assunta sa ABS-CBN at isang sitcom ang pagsasamahan nila ni Dolphy. (Ulat ni Salve V. Asis)

ANTON CHEKOV

ASSUNTA

BACOLOD CITY

BARONG TAGALOG

CHICKEN RELLENO

DON SALVADOR BENEDICTO

EUGENIO JOSE LACSON

JULES

SAN CARLOS CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with