Rosebud ididiin si Ping
December 11, 2002 | 12:00am
Handa si Mary "Rosebud" Ong na makipagtulungan sa pulisya at magbigay ng sworn statement na susuporta sa kanyang mga alegasyon na magdidiin kay Sen. Panfilo Lacson sa brutal na pagpatay kay Col. John Campos.
Ang pahayag ay kasunod ng utos ng Malacañang na pigain si Ong bilang potensiyal na witness sa pagpatay sa kanyang dating lover.
Sa panayam kay Ong, hindi siya panatag kahit nasa ilalim siya ng witness protection program ng gobyerno dahil sa pangambang may magtangka sa kanyang buhay, pero handa siyang ituloy ang kanyang laban.
"I feel so alone. It seems it is only me putting up a fight against a huge criminal organizations," sabi ni Ong.
Hindi rin anya masisi ni Ong ang iba pang saksi kung ayaw nilang lumantad dahil para na rin silang nagpakamatay kapag ginawa nila ito.
Sinabi pa nito na posibleng si Campos ang ginawang "sacrificial lamb" ng isang foreign-based illegal drugs syndicate na sumusuporta sa kandidatura ni Lacson sa 2004.
"If you recall, I testified before the Senate that John (Campos) was consigned a warehouse (for drug shipments) and once reneged on payments to a foreign-based drug syndicate, but was later accompanied by (police Senior Superintendent) Michael Ray Aquino to Hong Kong to settle the account. The syndicate could also have seen Campos as the most fitting sacrificial lamb for that fault in the past as a lesson to others on the syndicate," sabi pa ni Ong.
Sinabi rin ni Ong na ang "pagpapatahimik" kay Campos ang puputol sa ginagawang imbestigasyon sa matataas na opisyal na sangkot sa illegal drugs.
"Pings life, credibility, future and ambition were at Johns mercy, and so John had to go. "Drug lords do not forgive and forget," dagdag pa niya.
Gayunman, matapos na isangkot ang pangalan ni Lacson tumanggi naman si Ong na humarap at pormal na kasuhan sa ginagawang imbestigasyon ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Sinabi kahapon ni deputy director Reynaldo Velasco, NCRPO chief, na inimbitahan nila si Ong para isapapel ang kanyang mga akusasyon at mga nalalaman sa pagkamatay ni Campos.
Hindi rin naman nila maimbitahan si Lacson dahil dapat umano munang ma-establish ang mga ebidensiya at mga testimonya na nakuha sa lugar ng krimen.
Sinabi rin nito na balewala na ang mga sinasabi niyang mga nalalaman niya sa kaso dahil sa pagtanggi na ilagay sa papel ni Ong ang kanyang mga akusasyon.
Hindi naman umano niya malaman kung duda si Ong sa kanya dahil sa batch 71 rin siya sa Philippine Military Academy (PMA) at ka-mistah si Lacson. Kung ito umano ang pamantayan ng pagdududa ni Ong, sinabi nitong hindi siya kilala ng personal nito.
Kaugnay nito, hindi pa rin naman lusot si Antonio Cabanban, ang kasama ni Campos ng mapaslang. Kukuhanan rin nila ito ng testimonya dahil sa hindi pa kumpleto ang inisyal na pahayag na ibinigay nito sa Parañaque police.
Dapat umanong liwanagin ni Cabanban kung bakit hindi niya namukhaan ang gunman, kung bakit si Campos lang ang binaril, at kung nasaan siya eksakto nang isagawa ang krimen.
Kasalukuyang masusing sinusuri ngayon ang lahat ng ebidensiya tulad ng mga slug na M-16 na ginamit, testimonya ng ibang saksi at pag-trace sa berdeng get-away vehicle sa LTO. (Ulat nina Ding Cervantes at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended