^

Bansa

Pagdalo ni Erap sa senate hearing malabo

-
Inihayag ni Senate President Franklin Drilon na walang kasiguruhan na makakalabas ng kanyang kulungan si dating Pangulong Estrada para dumalo sa isasagawang pagdinig ng senate committee on government corporations and public enterprises kaugnay sa sinasabing $14 milyon na suhol para aprubahan ang IMPSA contract sa rehabilitasyon ng Caliraya-Botocan-Kalayaan hydroelectric plant.

Sinabi ni Drilon,kung sakaling hindi payagan si Estrada ng Sandiganbayan ay maaaring ang mga miyembro na lamang ng komite na pinamumunuan ni Sen. John Osmeña ang magtutungo sa Veterans Memorial Medical Center kung saan nakakulong ang dating Pangulo upang doon na lamang isagawa ang pagdinig.

Magugunita na nagpadala na ng liham ang Senado kay Estrada upang imbitahan ito sa isasagawang hearing sa IMPSA contract habang pinaldahan na rin ng sulat ang Sandiganbayan upang humingi ng pahintulot na payagang makadalo ang dating Pangulo. (Ulat ni Rudy Andal)

CALIRAYA-BOTOCAN-KALAYAAN

DRILON

INIHAYAG

JOHN OSME

MAGUGUNITA

PANGULO

PANGULONG ESTRADA

RUDY ANDAL

SANDIGANBAYAN

VETERANS MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with