^

Bansa

Solon at DAR sec. nagmurahan, muntik magsuntukan

-
Muntik nang magsuntukan sina Nueva Ecija Rep. Raul Villareal at Agrarian Reform Secretary Hernani Braganza matapos magpalitan ng maaanghang na salita dahil lamang sa hindi pagkakaintindihan sa isang kontrata ng pamahalaan sa sesyon ng Kamara kahapon.

Napigilan lamang ang suntukan dahil sa mabilis na pag-awat ng ilang kongresista at mga miyembro ng security.

Ayon sa mga guwardiyang umawat, nagtimpi si Braganza sa unang dalawang pagmumura ni Villareal.

Ngunit napilitan na itong murahin rin ang kongresista nang sa ikatlong pagkakataon ay duruin pa ang kanyang mukha.

Humihirit si Villareal na muling isubasta ang isang farm-to-market road project na ipinapatupad ng DAR dahil umano nagkaroon ng iregularidad na mariing pinabulaanan naman ni Braganza.

Nabatid sa kampo ni Braganza na nagnanais umano si Villareal na makuha ang kontrata para sa isang kontraktor na kaibigan nito at ng kanyang asawang si dating Rep. Julita Villareal.

Pero may hinala ang source mula sa grupo ni Braganza na ang natalong kumpanya sa subasta ay pag-aari rin umano ng pamilya Villareal. (Ulat ni Malou Escudero)

AGRARIAN REFORM SECRETARY HERNANI BRAGANZA

AYON

BRAGANZA

HUMIHIRIT

JULITA VILLAREAL

KAMARA

MALOU ESCUDERO

MUNTIK

NUEVA ECIJA REP

RAUL VILLAREAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with