Kasinungalingan Nani
November 26, 2002 | 12:00am
Ito naman ang ibinalik na salita ni Justice Secretary Hernando Perez sa mga akusasyon ni Rep. Mark Jimenez.
Sa kanyang pagdating kahapon mula sa Bangkok, Thailand matapos dumalo sa ASEAN Political Parties conference ay tahasang itinanggi ni Perez na tumanggap siya ng $2-M mula kay Rep. Jimenez.
Ayon kay Perez, isang desperadong hakbang laban sa kanya ang akusasyon ng solon na pangingikil at ginigipit lamang daw siya dahil sa napipintong resolusyon sa kanyang extradition case.
Ayon kay Perez, si Jimenez ang lumapit sa kanya para tumestigo laban kay dating Pangulong Estrada sa plunder case nito. Si Jimenez din daw ang nag-imbita ng meeting sa bahay ng kalihim at dito ipinakita sa kanya ang mga tseke na galing umano kay dating pangulong Estrada na nakahandang isumite bilang ebidensiya laban sa pinatalsik na presidente. Nasa panganib anya ang buhay niya dahil sa nalalaman niya kaya gusto niyang pumasok sa Witness Protection Program ng DOJ subalit tumanggi umano si Perez dahil ang hinihinging kapalit ng kongresista ay ang pagbasura ng extradition case ng DOJ.
Sinabi ni Perez na isang panggigipit sa Justice department ang mga akusasyon para ibasura ang extradition case ni Jimenez sa Amerika. (Ulat nina Butch Quejada/Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest